Winakasan ng isang 20-anyos na lalaki ang kanyang buhay matapos makaaway sa video call ang kanyang kasintahan noong Lunes ng umaga sa Quezon City.
Kinilala na lamang ang biktima sa pangalang Richard, isang houseboy na nakitang nakabigti sa loob mismo ng pinagtatrabahuhang tahanan.
Batay sa ulat, bandang alas-7:20 ng umaga nitong lunes ng Disyembre 13, nang madiskubre ang nakabigting biktima.
Ayon sa imbestigasyon, bago nagbigti ang biktima ay nakita muna itong nakikipagtatalo sa kanyang girfriend na nakilala lamang sa pangalang Jovelyn. Nag-video call umano ang biktima at si Jovelyn bandang alas-9:00 ng gabi noong Linggo, Disyembre 12.
Kinaumagahan ay nakita na lamang ang biktima na wala nang buhay at nakabigti sa kisame gamit ang nylon rope.
Tinitingnan ang anggulo na matindi ang pinag-awayan ng biktima at nobya nito kaya minabuti na lamang nitong tapusin ang kanyang buhay.