LOOK: Ganito ang naging sitwasyon ng baha sa Cagayan de Oro City dahil sa walang tigil na buhos ng ulan at lakas ng hangin dala ng bagyong #OdettePH.
Nagdeklara na ng code yellow ang City Disaster Risk Reduction Management Department kung saan hinihikayat na ang voluntary evacuation lalo na sa mga bahaing lugar at mga nakatira malapit sa ilog.
Isang diumano’y buhawi naman ang tumama sa Misamis Oriental kaninang umaga na ikinasira ng bahay ng mga residente doon.
: Christie Lou Fortun/CONTRIBUTED PHOTO