
Humigit-kumulang 20 bahay na gawa sa light materials ang natupok sa isang sunog sa Barangay Poblacion 4 sa Cotabato city ang naiulat nitong Martes . Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ang naging sanhi ng sunog ay ang isang electric fan.
Sinabi ni Fire Chief Inspector Lucily Banac-Jusay, ang sunog noong Lunes ng hapon ang unang tumama sa lungsod ngayong buwan. Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.
Ayon naman sa chairman ng village ng Poblacion 4, nagsimula ang apoy sa boarding house na pagmamay-ari ng isang Celso Celis, ang apoy ay mabilis na kumalat sa mga katabing bahay sa Purok Martinez.
Tinutukoy pa rin ng mga mga awtoridad ang tunay na sanhi ng sunog, at idinagdag na ang naging inisyal na halaga ng pinsala ay umabot na sa 500,000 pesos.
Pinaalalahanan ni Jusay ang publiko na dapat tanggalin sa saksakan ang lahat ng electric appliances kapag hindi ginagamit para maiwasan ang mga insidente ng sunog. | BALISONG NEWS TEAM