Pinaghahanap na ng mga pulisya ang isang construction worker na nanggoyo umano ng mag asawang magpapagawa sa kanya ng bintana ng bahay sa bayan ng Sto. Tomas.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, Abril 9 pa lang umano ay nagbigay na ng paunang bayad ang mag-asawang si Ma. Laurice at Rovenzon Micua ng halagang P32,500.00 sa isang construction worker upang ayusin ang bintana ng kanilang bahay sa Bgry. Sta. Cruz, Sto. Tomas, Batangas. Nasundan pa umano ito ng P8,000 noong Abril 19; P7,000 noong Abril 23; P4,000 noong May 18; at P6,500 noong May 29 na may total na P58,000.000. Subalit, ang nasabing construction sana ng bintana ay hindi na natuloy.
Kinilala ang suspek na si Rodjim Docil, 25 anyos residente ng Sitio Sto. Niño, Quilo-quilo North, Padre Garcia, Batangas. At patuloy ng pinaghahanap ng mga awtoridad.
Mahaharap naman sya sa kasong estafa.