Arestado ang isang 32-anyos na lalaki matapos ireklamo ng mga magulang ng dalawang sakristan na minolestiya sila ng suspek sa Zamboanga city.
Ayon sa ulat ng CIDG-9, inaresto ang suspek dakong alas-2:45 ng hapon noong Martes sa Zone 2 ng Barangay Boalan, Zamboanga City na si Bryan Aizon, 32-anyos.
Batay sa imbestigasyon, minolestiya umano ng suspek ang dalawang sakristan na nagsisilbi umanong sa parish church ng Barangay Tetuan, Zamboanga City, na parehong itinago ang pagkakakilanlan dahil menor de edad.
Nahaharapa ang suspek sa kasong Republic Act 7610 o child abuse na may piyansang P200,000 para sa bawat kaso para pansamantalang makalaya habang nililitis ang kaso. | BNT