fbpx

COMELEC, KAILANGAN NG KARAGDAGANG BUDGET MATAPOS IPAGPALIBAN ANG BARANGAY AND SK ELECTION 2022

Nangangailangan ng karagdagang budget ang Commission on Elections para sa pagsasagawa ng October 2023 Barangay and SK Elections, ayon kay COMELEC Chairman George Garcia.

Kailangan kasing baguhin ang template ng mga balota partikular ang petsa ng halalan kung saan gagawin itong October 2023 sa halip na December 5, 2022.

Ayon kay Garcia, nasa 5-6 million balota na ang na-imprenta kung kaya’t kinakailangan ng karagdagang budget lalo na’t hindi sapat ang hawak nilang pondo.

Samantala, inaasahan namang madadagdagan ng 5 milyon ang mga botante dahil muling ikakasa ang voters’ registration mula November 2022 hanggang May 2023.

Inihayag pa ng COMELEC, na pahihintuin na rin nila ang pag-iimprenta ng balota sa National Printing Office (NPO) ng isang linggo upang mabago ang petsa ng halalan habang bubuo sila ng resolusyon para magamit ang naunang na-imprentang nga balota.

About Author