fbpx

ISANG LALAKI NAIPIT SA BINTANA NG BAHAY, PATAY

Isang 51-anyos na caretaker ng manggahan ang natagpuang patay habang nakaiipit sa grills ng bintana ng isang bahay nitong Biyernes ng umaga sa Matanao, Davao del Sur.

Batay sa ulat, nakaipit ang katawan nito sa grills ng bintana ng bahay kung saan mag-isa lamang siyang naninirahan.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima noong Huwebes ng gabi habang nakikipag-inuman sa mga kalugar.

Sa ulat ng pulisya, naka-lock ang dalawang pinto ng bahay at posibleng dahil umano sa kalasingan ay sinubukan ng biktima na dumaan sa bintana para makapasok sa kanyang bahay.

Sa ngayon ,hindi pa kumpirmado kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima pero posible umanong may kinalaman ito sa pagkaipit ng kanyang katawan sa grills ng bintana.

Patuloy din ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente at wala umanong indikasyon ng foul play ayon sa pulisya.

About Author