fbpx

Malaking bahagi ng bansa uulanin dulot ng LPA, ITCZ

Kasalukuyang nakararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Lalawigan ng Batangas. Ito ay maaaring magtagal sa loob ng isa hanggang dalawang oras ayon sa PAGASA.

Makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Low Pressure Area (LPA) na nakapaloob dito ang probinsya ng Palawan, Visayas at Mindanao.

Ito ang iniulat ng PAGASA ngayong Sabado, Nobyembre 19 kung saan ang LPA ay huling namataan 190 kilometro silangan ng General Santos City.

Samantala, ang Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at southern portion ng Aurora ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot din ng ITCZ at LPA.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dulot naman ng localized thunderstorm at ITCZ.

Kung hindi maiiwasang lumabas ay huwag pong kalimutang magdala ng mga panangga laban sa pag-ulan.

About Author