Opens in a new tab
Skip to content
Food

P27.9-bilyong pagkalugi ng local hog industry, posibleng masundan ng kakulangan sa supply ng baboy sa 2027

Roasted pork ribs. Free food

Umabot sa P27.9 billion ang pagkalugi ng local swine producers sa Pilipinas sa unang pitong buwan ng taon dahil sa pagdami ng imported pork products, ayon sa Department of Agriculture o DA.

Samantala, nagbabala ang United States Department of Agriculture o USDA na posibleng magkaroon ng kakulangan sa supply ng baboy sa bansa sa first quarter ng 2027 kasunod ng 60-day restriction sa pag-aangkat ng piling pork products.

Ayon sa USDA, mas mararamdaman ang epekto nito mula late January hanggang early March 2027, dahil posibleng bumaba ang dami ng imported pork na darating sa bansa.

Sakop ng restriction ang fresh at chilled pork, carcasses, hams, shoulders, cuts na may buto, at edible pork offals gaya ng atay.

Batay sa datos ng USDA, umabot sa average na 94,029 metric tons ang inangkat na mga produktong ito sa first quarter ng 2025 at 2026.

Bagama’t inaasahang makatutulong ang mga shipment na naipadala na bago matapos ang November, posibleng hindi ito sapat para matugunan ang demand sa mga susunod na buwan.

Dahil dito, tinatayang kailangang madagdagan ng hindi bababa sa 14 percent ang local pork production upang mapunan ang kakulangan sa supply.

Samantala, iniulat ng DA na nasa 121,000 metric tons ang pork inventory noong July, kung saan 94 percent nito ay imported products.

Ipinatupad ang restriction upang protektahan ang lokal na industriya ng baboy na umano’y nakaranas ng matinding pinsala dahil sa pagdami ng imports.