fbpx

Magkapatid, arestado dahil sa mapanirang post at komento sa social media

Arestado ang magkapatid sa Cebu City dahil sa mga mapanirang komento at post.

Kinilala ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police  ang mga naaresto na sina Lyka Amoro Sumalinog at kapatid nitong si Gabrielle na kapwa residente ng Maribago, Lapu-Lapu City, Cebu.

Inaresto ang magkapatid sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Cyber Libel matapos mag-post ng mga mapanirang akusasyon laban sa sarili nilang nanay.

Pinaalalahanan naman ng PNP-ACG ang mga kabataan na maging maingat sa pagpapaskil at komento sa social media.

Babala ng kapulisan, anumang mapanirang akusasyon o komento sa social media lalo na’t napatunayang hindi totoo ay may katapat na parusa sa ilalim ng batas.

About Author