fbpx

Vhong Navarro matatapos na ang quarantine sa November 28 sa Taguig City Jail

Vhong
Photo | NBI

Matatapos na ang quarantine ng TV host at actor comedian na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail Male Dormitory sa araw ng Lunes. Novemver 28.

Ito ang ipinahayag ni Jail Senior Inspector Hernand Macoy ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR).

Photo | NBI

Matatandang, naglabas ng commitment order ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 na ilipat ang aktor mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention center patungo sa Taguig City Jail.

Ang aktor ay inakusahan ng panghahalay kay Deniece Cornejo noong January 17, 2014 pa sa kanyang condominium unit sa Taguig, na itinanggi naman nito.

Inilipat si Navarro sa Taguig City Jail Male Dormitory noong November 21 at kinikilala bilang isang person deprived of liberty (PDL).

Sa panuntunan kasi ng BJMP,dapat munang bakunahan laban sa Covid si Vhong, at kailangang din sumailalim sa pitong araw na quarantine bilang pagsunod sa mga protocol.

Kapag natapos na ang quarantine ni Vhong, maaari na siyang tumanggap ng mga bisita tuwing araw lamang ng Sabado at Linggo.

Samantala, ang Taguig City Jail ang magpapasiya kung may banta sa seguridad laban sa aktor at magpapasiya din kung ito ba ay makukulong kasama ng iba pang inmates o pdl sa naturang kulungan.

About Author