fbpx

Pagpapalaya sa mga pdl edad 70 pataas, pinag-aaralan na ng BuCor

Pinag-aaralan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang posibilidad na pagkalooban ng executive clemency ang mga persons deprived of liberty (PDLs) na edad 70-taong gulang pataas upang mabawasan anila ang siksikan sa kulungan.

Ayon kay BuCor officer-in-charge General Gregorio Catapang Jr., dati nang ginawa sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ganitong hakbang.

Nauna nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano na uunahin ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang decongestion ng mga kulungan sa ilalim ng BuCor, dahil ang New Bilibid Prison ay napatunayang may congestion rate na 300%.

Itinutulak din ni Remulla na ilipat ang maximum security ng NBP sa Sablayan Prison sa Occidental Mindoro at ang minimum security sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

About Author