
Bangkay na nang matagpuan ang isang kolehiyo na babae matapos makitang lumutang-lutang na wala nang saplot pang-ibaba sa mini dam sa Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, makikipagkita lang ang biktima sa kanyang mga kaibigan pero hindi na ito nakauwi pa.
Ipinatawag naman ang mga kaibigan ng biktima, maging ang lalaki na itinuturing “person of interest’ na sinasabing maghahatid sana sa babae pauwi ng bahay.
Patuloy ang imbestigasyon sa na isinasagawa ng pulisya habang isinailalim sa awtopsiya ang katawan ng biktima.