fbpx

High value individual arestado sa Sto. Tomas city Batangas; 100 gramo ng shabu nasamsam

Arestado ang isang high value individual matapos magsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng Sto Tomas City Police Station bandang ala-1:15 ng madaling araw nitong Martes sa Brgy. Poblacion 2, Sto Tomas City, Batangas.

Kinilala ang inaresto na si Akrima Pagador, 37 taong gulang, at residente ng Brgy. Bucal, Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ng Batangas Police Provincial Office, nasa higit kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P680,000.00 ang nasamsam mula rito.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang naarestong suspek.

About Author