fbpx

Sanggol, patay matapos mahulog sa motorsiklo at magulungan ng trak

Dead-on-the spot ang pitong buwang gulang na sanggol na babae matapos mabundol ng trak na may kargang buhangin sa Barangay Payao, Binalbagan, Negros Occidental nitong Miyerkules.

Sa ulat ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang mag-asawa, habang habang hawak ng misis ang kanilang anak na sanggol.

Batay sa ulat ng ortoridad, magkaparehong direksyon ang takbo ng trak at motorsiklo nang mag-overtake umano ang motor sa sinsundang truck subalit nawalan ito ng kontrol nang tumawid agad ang isang babae.

Sa pagkakatumba ng motor, nabitawan ng ina ang kanyang sanggol at nadurog ang ulo ng pitong-buwan na sanggol na babae matapos mabundol ng trak habang nagtamo naman ng minor injuries ang mga magulang nito.

Agad namang rumesponde ang LDRRMO ng Binalbagan at dinala ang bata sa isang punerarya.

Samantala, hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng sanngol laban sa driver ng truck.

About Author