fbpx

Isa patay, 6 sugatan matapos mawalan ng kontrol ang isang SUV sa Lemery, Batangas

Patay ang isang rider na lalaki habang anim ang sugatan makaraang mawalan ng kontrol ang isang SUV sa bahagi ng R. Diokno Highway sa Barangay Mahabang Dahilig sa bayan ng Lemery dakong 8:10 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Rafael Esguerra habang ang driver ng SUV ay si Niño Ritchie Bernardino.

Sa ulat ng pulisya, biglang nawalan umano ng kontrol ang driver ng SUV, na sumalpok sa dalawang nakamotorsiklong kasalubong nito at nadamay pa ang isang bahay sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng impak, basag ang mukha at naputol pa ang isang paa at braso ni Esguerra, dinala pa ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

MDDRMO LEMERY

Samantala, sugatan naman ang isang rider habang dinala sa Hospital ang limang sakay ng SUV para sa karampatang lunas.

Sa ngayon patuloy pa din ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

About Author