fbpx

Tom Rodriguez, ayaw nang patulan ang mga intriga na ipinupukol sa kanya

Ayaw nang patulan ni Tom Rodriguez  ang mga intriga na ipinupukol sa kanya lalo na ang tungkol sa kanyang katauhan na naging dahilan daw ng paghihiwalay nila ni Carla Abellana.

YT | Ogie Diaz

Sa interview ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito nang magkasama sila sa America, sinagot ng actor ang mga personal na tanong na isa raw siyang miyembro ng LGBTQ at kaya niyang manakit ng babae physically.

Agad naman itinanggi ng aktor ang mga akusasyong ito. Sa naging pahayag ng aktor, dati ay nasasaktan siya kapag may nababasa siya o naririnig tungkol sa mga maling paratang sa kanya pero kalaunan ay binabalewala na niya ito.

Hindi na rin daw siya pumapatol sa mga basher dahil lalot kung lalaki ang isyu.

Nasa Amerika pa rin si Tom at nagbabalak nang bumalik sa Pilipinas sa susunod na taon.

About Author