Patay ang pasahero ng traysikel habang sugatan ang tsuper nito matapos mabangga ng pampasaherong bus sa National Hi-way sa bahagi ng Brgy. San Juan, Ilagan City, Isabela.
Sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng bus ang daan patungong timog na direksyon habang ang tricycle ay patungo sa hilagang direksyon.
Ayon sa ulat, umagaw umano ng linya ang tricycle dahilan para magbanggaan ang dalawang sasakyan.
Sa lakas ng banggaan ay bumaligtad ang tricycle na naging dahilan ng agarang kamatayan ng pasahero habang nagtamo naman ng malubhang sugat sa katawan ang driver ng tricycle na dinala sa isang pagamutan.
Pansamanta nasa kostudiya ng pulisya ang mga sangkot na sasakyan kabilang ang drayber ng pampasaherong bus para sa kaukulang disposisyon.