fbpx

Buntis, magkasunod na binangga ng dalawang sasakyan; patay

Kalunos-lunos ang sinapit na pagkamatay ng isang 19-anyos na buntis nang masagasaan ng dalawang sasakyan sa Barangay Poblacion Pardo, Cebu City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Michelle Cañeda residente ng Talisay City, na tumatawid lang sa kalsada nang mabangga ng isang SUV, matapos ang pangyayari nasundan agad ito ng isang humaharurot na van. Dead on the spot agad ang biktima sa malagim na insidente.

Tumakas naman ang driver ng SUV matapos ang insidente habang dinala naman sa kostudiya ng pulisya ang driver ng van.

Sa ngayon patuloy na pinaghahanap ang driver ng naturang SUV habang ang driver ng van ay nahaharap sa karampatang kaso.

About Author