fbpx

300M piraso ng P1,000 polymer banknotes ilalabas ng BSP

Tinatayang nasa 300 milyong piraso ng P1,000 polymer banknotes ang ilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sa unang bahagi ng 2023, ayon kay BSP Governor Felipe Medalla.

Inanunsyo ng BSP sa mga mamamahayag sa Pasay City, nang tanungin tungkol sa kasalukuyang suplay ng pera sa holiday season.

Ang disenyo ng bagong P1,000 polymer banknote ay nilabas ng central bank noong Disyembre 2021.

Ipinagmalaki pa ng BSP na may sapat na malutong na banknotes at barya para sa kapaskuhan

About Author