Patay on-the-spot ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Purok Romano, Talumpok Silangan, Batangas City nitong Linggo ng umaga, Pebrero 19.
Kinilala ang 81-anyos na si Bienvenido Delica, residente sa nasabing lugar, na nasawi dahil sa mga natamong bala sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Ayon sa pulisya, paalis sa kanilang bahay ang biktima, dakong alas 7:00 ng umaga nang pinaputukan gamit ang ‘di pa matukoy na baril ng suspek.
Mabilis naman na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen at ang motibo sa pagpatay. | via J.Laydia