fbpx

21-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA MALVAR, BATANGAS

Arestado ang isang 21 anyos na lalaki na tinaguriang Most Wanted Person sa CALABARZON laban sa kasong dalawang beses na panggagahasa.

Nadakip ng pulisya ang akusado na si Michael Trube ng Brgy. Langkiwa Biñan City, Laguna, nito lamang Lunes sa Brgy San Isidro Malvar, Batangas.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malvar Municipal Police Station ang akusado at nahaharap sa karampatang kaso.

About Author