Pinangangalagaan ngayon ng mga animal rescue workers ang isang taong gulang na Sphynx Cat matapos ito matagpuan sa isang kulungan ng Juarez City, Mexico, kung saan minaltrato at nilagyan pa ng tattoo ang balat ng mga naturang bilanggo.
Makikitang pinamumulatian ng mga tattoo ang magkabilang gilid ng payat at kulay abong pusa, na may pariralang “Made in Mexico.”
Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang paghahanap ng mga ito sa maaring mag-ampon ng nasabing pusa.
Nasasaloob umano ang pag-aampon batay sa huling desisyon ng isang komite na binubuo ng mga city officials, bago iharap ang pusa sa possible nito maging pamilya sa isang seremonya na gaganapin sa darating na March 1. | L.Bermudez intern