Isang lalaki na umano’y may problema sa pag-iisip ang nanaga na lang bigla matapos may makasalubong na lalaking nakamotorsiklo sa Brgy. Bukal, Padre Garcia, Batangas nitong Linggo ng umaga Marso 26.
Sa anunsyo ng isang konsehal ng bayan na si Molly Rivera, pinag-iingat nito ang mga residente sa lalaking nakasuot ng itim na jacket at may hawak na gulok na umano’y suspek sa pananaga.
Huli umano namataan ang lalaki sa bahagi ng bukal at sa quilo-quilo.
Samantala ang biktima na lalaki ay nagtamo ng matinding sugat sa kanyang ulo, kamay, at binti mula sa naturang suspek.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. Sa naturang post naman ng konsehala ng bayan, may komento ito na namatay na umano ang naturang suspek ngunit ito ay kinaklaro pa ng aming news team sa Padre Garcia Police. | Irene Joy
Antabayan ang iba pang detalye sa naturang insidente.