fbpx

ISANG RIDER, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA ISANG TRUCK SA LAUREL, BATANGAS

Sugatan ang isang rider matapos bumangga sa isang truck sa Agoncillo-Laurel Road Barangay Buso Buso, Laurel, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Jeremy De Leon, 32-anyos, isang mangingisda habang may angkas na isang 4-anyos na bata, parehong residente ng Barangay Buso Buso, Laurel Batangas.

Batay sa report, isang concerned citizen ang pumunta mismo sa Laurel Municipal Station upang ipaalam ang insidente.

Ayon sa inisiyal na imbestigasyon, bandang alas-10:00 ng gabi ng Abril 13, 2023, habang ang drayber ng motorsiklo ay binabaybay ang West to South direction nang aksidente nitong mabangga ang likod na parte ng truck na nakaparada sa tabi ng daan.

Nagtamo naman ng sugat ang rider sa ulo at agad itong dinala sa ospital para sa paunang lunas habang ang driver naman ng truck ay hindi nasaktan. | C.Hernandez, BChannel News | Photo : PSTAR

About Author