Itinutulak ni Senator Cynthia Villar na mabigyan ng ‘one-time cash grant’ ang mga fresh graduates sa kolehiyo, unibersidad, vocational at training institution na kanilang magagamit para sa paghahanap at pagsisimula ng trabaho.
Batay sa Senate Bill 2186, idadagdag sa probisyon ng Republic Act 11261 ang pagbibigay ng P5,000 cash grant sa mga fresh graduates na kanilang magagamit sa job application at pagsisimula ng trabaho.
Sakaling maisabatas, kailangan lamang magsumite ng bagong graduate sa agency o local government ng kopya ng diploma, certification, at dokumento mula sa academic, vocational o technical institution kung saan ito nagtapos.
Dapat nakalagay din kung anong petsa ito nakatapos ng pag-aaral o ng kurso at ito ay dapat may pirma mula sa institusyon