fbpx

JEEPNEY DRIVER, PATAY MATAPOS MABARIL NG HINDI PA NAKIKILANG LALAKI SA STO. TOMAS, BATANGAS

person firing a gun

Patay ang isang jeepeney driver matapos mabaril ng hindi pa nakikilang lalaki sa Brgy. Santa Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Ruel Catimbang, 40-anyos, at residente ng Brgy. Bagbag, Tanauan City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng Sto. Tomas City Police Station, habang nagmamaneho ang nasabing biktima sa kanyang pampasaherong jeepney patungong Sto. Tomas nang mapatigil ito dahil sa matinding traffic ay biglang nilapitan at pinagbabaril na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad na tumakas ang suspek sakay ang kanyang motorsiklo patungong Calamba City.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng pursuit operation ang nasabing istasyon para kilalanin at arestuhin ang naturang suspek maging ang motibo nito sa pamamaslang. | J.M. Amistoso, BChannel News intern

About Author