fbpx

RIDER, PATAY MATAPOS MABANGGA NG TEN-WHEELER TRUCK SA LEMERY, BATANGAS

Dead-on-arrival sa ospital ang isang rider matapos mabangga ng ten-wheeler truck sa Brgy. Sinisian East, Lemery, Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawing rider na si Jolie Verdera, 44-anyos, residente ng Brgy. Puting Bato West, Calaca, Batangas habang kinilala naman ang driver ng truck na si Ferry Aguilar, 36-anyos, driver at residente ng Brgy. Pando, Concepcion, Tarlac.

Batay sa imbestigasyon ng Lemery Municipal Police Station, bandang 11:20 ng gabi nang patungo sa Calaca ang nasabing ten-wheeler truck nang mabangga sa kaliwang bahagi ang motor na minamaneho ni Jolie.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at dinala sa Batangas Provincial Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival na ito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa insidente ito. | BChannel News

About Author