fbpx

LizQuen, hindi pa rin nga ba natitinag?

Usap-usapin pa rin sa social media ang naging pahayag ng aktor na si Enrique Gil ukol sa relasyon nila ng dating loveteam at long-term girlfriend na si Liza Soberano. Dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz, ano nga ba ang komento tungkol dito?

Maaalalang dalawang buwan na ang nakalipas mula nang ikinumpirma ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz news vlog ang hiwalayan ng celebrity couple and loveteam na LizQuen.

Bagama’t naging trending topic ito sa mga netizens noon ay nanatiling tahimik sina Liza at Enrique. Ngunit nitong nakaraang araw lamang ay binasag na ng aktor ang katahimikan nang tanungin ito sa isang interview kung ano na nga ba ang lagay nila ni Liza.

Hindi inaasahan ng karamihan ang naging pahayag ni Enrique kung saan ibinahagi nito ang lagay ng relasyon nila ni Liza Soberano.

Ani nito, “We are good, we are good. I am busy with all my projects. She is busy with all her projects naman. She is focusing on international work, which is super good for her. Kahit super busy kami, we still support each other no matter what,”– na agad namang nag-trending dahil ayon sa iba, ito raw ay pamamaraan ng aktor upang ipaalam sa masa na walang hiwalayang naganap sa pagitan nila ng aktres na si Liza.

Naantig naman ang tenga ni Ogie Diaz sa natamong reaksyon ng naturang pahayag ni Enrique mula sa mga netizens.

Saad ni Diaz sa latest vlog nito sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update’, “Kung sila pa rin– kung ang meaning sa inyo ng sinabi ni Enrique Gil ay sila pa rin, oh edi sinungaling ‘yung source ko.” | 📸 @OgieDiaz | NM Cruzat & FM Gesmundo, BChannel interns

About Author