fbpx

53-anyos na lalaki, patay sa pananaksak

Nasawi sa pananaksak ang isang 53-anyos na lalaki makaraang saksakin ng isang suspek na lalaki nitong Agosto 6, dakong alas 8:00 ng gabi sa Sitio Balagbag, Brgy. Dagatan, Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Domenador Cabague, isang magsasaka, habang ang suspek ay si Roque Temperatura alyas ‘Roki’, na kapwa residente ng naturang lugar.

Ayon sa paunang ulat ng Lipa City Police, sinuntok umano ng suspek ang biktima sa likuran at nang bumagsak ito agad na pinagsasaksak ng maraming beses sa katawan ang biktima.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead-on-arrival.

Agad naman tumakas ang suspek sa di pa malamang direksyon.

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang suspek habang inaalam pa ang motibo nito sa pamamaslang. | BChannel News

About Author