fbpx

THE ICON OF CHRISTMAS IN THE COUNTRY; SPILLING SOME TEAS

Ibinahagi ng iconic singer na si Jose Mari Chan na ang international artist na si Lea Salonga o si Monique Wilson, ang dapat makakasama niya sana sa pag-awit ng hit Christmas song nitong “Christmas in Our Hearts.”

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, September 1 ay ikinuwento nga ni Jose Mari na minsan niyang inimbitahan si Lea para maka-duet sa nasabing kanta.

“At that time, Lea Salonga was a hit because of ‘Miss Saigon.’ So I approached her and asked her if she would do a duet with me,” kuwento nito. “And sabi niya, ‘Yes, I’d be glad to!” nagustuhan umano ni Lea ang melody maging ang lyrics nito, ngunit hindi lamang natuloy ang kanilang collaboration dahil hindi pinayagan si Lea ng kaniyang recording company na mag-record para sa isang kakompitensiyang label ng mga panahong iyon.

Sunod na pinili naman ni Jose Mari si Monique Wilson, na understudy para sa “Miss Saigon,” ngunit hindi rin natuloy dulot ng nawalan ito ng boses nang mag-bakasyon ito sa Tagaytay.Doon na nga siya nagpasya na tangungin ang kanyang anak na si Liz, dahil doon kasama ang songwriter na si Rina Cañiza, binuo nila ang lyrics ng “Christmas in Our Hearts.” at ni-record ito ni Jose Mari Chan kasama ang anak. |📸 FTWBA

About Author