fbpx

Mag-asawang negosyante, natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Tanauan City, Batangas

crime scene do not cross signage

Natagpuang patay at nakagapos ang mag-asawang negosyante sa loob ng kanilang bahay sa isang subd, sa Brgy., Darasa, Tanauan City, Batangas noong Sabado ng umaga Feb., 3.

Kinilala ng Tanauan police ang mag-asawang biktima na sina Allen Umali, at Khegzy Umali, 38, na kapwa tubong Lipa City Batangas.

Batay sa report ng pulisya, nadiskubre ng kapatid ni Khegzy ang insidente matapos itong pumunta sa bahay ng mga biktima dahil hindi sumasagot sa kanilang tawag mula pa noong Biyernes.

Pero nang kanyang bisitahin ang mga biktima ay bumungad sa kaniya ang mag-asawa na parehong nakagapos ng duct tape sa isang kuwarto.

Ayon pa sa report ng pulisya may natagpuan naman na isang kalibreng baril sa tabi ni Allen at isang hindi naiputok na bala ng 9mm pistol.

Sa ngayon, nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung ano ang tunay na kanilang ikinasawi at kung sino ang nasa likod ng insidente.

About Author