Usap usapan ngayon sa social media ang umano’y lilipat na ang Kapuso Actress na si Jennylyn Mercado sa ABS- CBN.
Sa isa sa mga episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates,” binanggit ng talent manager na si Ogie Diaz na may usap-usapan tungkol dito. Ayon sa kanya, tila hindi naman ito katiyakan dahil sa mga ganap ni Jennylyn sa Star Music ng ABS-CBN.
“Parang hindi naman yata. Kasi parang may recording lang under Star Music itong si Jennylyn kaya syempre bumibisita doon sa Star Music department ng ABS-CBN,” ani Ogie. “Ang sabi do’n sa mga comment section ay mananatili pa rin Kapuso si Jennylyn Mercado,” dagdag pa niya.
“E, rinig ko naman dyan kaya umalingasngas ‘yang ingay na lilipat na si Jennylyn sa ABS-CBN kasi hindi pa raw siya pumipirma ng kontrata sa GMA,” dagdag naman ni Tita Jegs.
Humirit naman si Dyosa Pockoh na nasagap niya raw na kaya lilipat ang aktres ay dahil flop ang show nila ni Xian Lim. “Ang dinig ko din naman, Tito Ogie, kaya daw lilipat dahil flop daw ‘yong teleserye nila ni Xian Lim na ‘Love, Die, Repeat.’” ani Dyosa Pockoh.
Kaugnay nito, mula sa mga report ng Hola, nabanggit na ang recording ng kanta ni Jennylyn sa Star Music ay tila isang soft launch ng kanyang posibleng paglipat sa ABS-CBN.
Sa kabuuan, ang posibleng paglipat ni Jennylyn Mercado mula sa GMA Network papunta sa ABS-CBN ay patuloy na pinag-uusapan at binibigyan ng iba’t ibang interpretasyon ng mga tagasuporta at tagasubaybay sa showbiz.
Gayunpaman, hindi pa rin tiyak kung ito ba’y totoo at wala pa namang pahayag si Jennylyn tungkol sa kumakalat na bali-balitang ito. | Ogie Diaz Showbiz Updates/FB | D. Gingco, BChannel News