Patay ang isang estudyante na 20-anyos na lalaki makaraan umanong tumalon sa riles ng LRT Central Station nitong Lunes ng umaga.
Base sa paunang report ng Manila Police District na isinagawa nina P/Corporal Angelo Bado, ang estudyante ay tumalon umano sa northbound line ng Central Station dakong alas 9:00 ng umaga habang paparating na ang tren.
Agad naman itong nirespondehan ng Lawton PCP subalit hindi na inabot ng pulisya ang estudyante dahil naisugod na ito ng Acting Head Security sa Philippine General Hospital sa kasamaang palad hindi na ito umabot nang buhay sa pagamutan.
Napag-alaman na ang biktima ay estudaynte mula sa Lyceum of the Philippines University sa Intramuros at taga San Jose Del Monte, Bulacan.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa naturang insidente.