Matapos ang mahabang panahon ng paghihintay, nakamit na ng koponan ng Choco Mucho ang unang tagumpay laban sa kanilang Sister Team na Creamline Cool Smashers, sa ginanap na Semifinals ng PVL 2024, nitong Martes, Abril 30, sa Philsports Arena.
Dikit at mainit ang naging laban ng dalawang koponan, natapos ang limang sets sa score na
13-25, 19-25, 25-21, 25-20, at 18-16.
Nakakuha ng pinakamaraming puntos si Sisi Rondina na nagtala ng 23 points at 14 excellent receptions sa buong sets, patuloy namang pinunan ni Royse Tubino ang puwang na iniwan ni Kat Tolentino at nagtala rin ng 20 points at 12 excellent digs, pumangatlo naman si Maddie Madayag na nagtala ng 8 points at 7 excellent blocks.
Sa ngayon ay mayroon pa ring dalawang laban ang Choco Mucho Flying Titans upang patibayin ang kanilang pag-asang makakuha ng spot pabalik sa Finals. | A.Carpio, BChannel News | 📸 PVL