Opens in a new tab
Skip to content
Entertainment

Bagong video ni Sarah Geronimo, usap-usapan dahil sa umano’y baby bump

Trending sa social media ang bagong video ng singer-actress na si Sarah Geronimo matapos mapansin ng netizens ang tila paglaki ng kanyang tiyan, na iniuugnay nila sa posibleng pagbubuntis.

Maraming fans ang natuwa at umaasang totoo ang kanilang hinala, lalo’t matagal na itong hinihintay ng Popsters. May nauna ring post ang kaibigan ng kanyang asawang si Matteo Guidicelli na bumati rito bilang “soon-to-be daddy,” pero kalaunan ay binura ang nasabing post.

Gayunman, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Sarah at Matteo tungkol sa pregnancy rumors.