fbpx

Ikalawang induction ng mga opisyales at bagong miyembro ng PCCI Lipa, naging matagumpay

Naging matagumpay ang isinagawang 2nd Induction ng mga opisyales at bagong miyembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry Lipa City Chapter na ginanap sa Cultural Center of Lipa sa Batangas nitong Biyernes ika-10 ng Mayo, 10.

Dumalo sa nasabing induction at nagbigay ng mensahe sina Mayor Lipa City, Eric B. Africa, Vice Mayor Mataasnakahoy Jay Manalo Ilagan, Vice President PCCI International Affairs Chairman Raymund Jude G. Aguilar, at RG Romy Race.

Pinangunahan ang naturang programa ni President PCCI Lipa City May Ann Katigbak, kasama sina Chairman of Environment, PCCI Lipa City Mr. Orlan Bancoro, Chairman of PCCI Lipa City Induction Jherald Espeleta, at Vice President PCCI Lipa City Boy Manguera, kung saan dinaluhan ito ng mga miyembro ng PCCI mula sa iba’t ibang rehiyon gaya ng CALABARZON, at NCR.

Sa naturang programa, tumanggap ng Presidential Awards ang ilang opiyasles ng PCCI Lipa bilang pasasalamat para sa mga nakaraang programa na kung sila ang humawak o nanguna sa proyekto.

Ginawaran naman ng Presidential Awards ang Balisong Channel na tinanggap nina CEO Jameson Rieta at Station Manager Mary Rose Rivero para sa programang Ka-Negosyo ng PCCI Lipa at nagsilbing media partner.

Agaw-pansin rin sa programa ang mga iginawad na tropheo at token na ginawa ng BJMP Lipa City persons deprived of liberty (PDL) sa pangunguna ni Warden Major Aris Williamere A. Villaester para sa proyekto nilang ‘The Hope Project’ na layong makatulong sa mga pdl.

Nagsilbi naman bilang emcee ng induction sina Mr. Roderick Africa at Mr. Rolly Inciong. | 📸 Mayor Africa/Contributed Photo/BChannel

About Author