fbpx

3-taong gulang na paslit, natagpuang wala nang buhay sa ilog sa Rizal

lighted candle

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang batang lalaki matapos madiskubreng wala nang buhay sa Mango River, Libis, Tibag sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal nitong Martes.

Base sa salaysay ng ina ng biktima na si Virgina Tagarino, dakong alas-tres ng hapon nang maiwang naglalaro ang dalawa niyang anak sa labas ng kanilang bahay habang siya ay naliligo.

Matapos ang kalahating oras ay dito na niya napansin na nawawala ang tatlong taong gulang niyang anak na lalaki.

Kaagad na nai-report ang insidente sa awtoridad na nagsagawa naman ng searching operations. Bandang 7:30 ng gabi na nang matagpuan ang bangkay ng bata na noo’y nakasiksik pa sa mga bato sa nasabing ilog.

Ayon naman sa ina ng biktima, hindi na umano nila isasailalim sa autopsy examination ang bangkay nito sa paniniwalang walang krimen na naganap at pagkalunod ang ikinamatay ng paslit | D. Ilagan, BChannel News

About Author