Nasawi ang back rider ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang dalawang rider sa nangyaring banggaan ng 2 motorsiklo sa Brgy. Halayhayin, Siniloan, Laguna nitong Lunes ng gabi, Setyembre 16.
Batay sa inisyal na imbestigasyon Laguna Police, nagmamaneho umano ang 28-anyos na si, John Eric Olit patungong Panil, Laguna nang biglang sumalpok dito ang isa pang motorsiklo na minamaneho ng isang menor de edad.
Ayon sa saksi, mabilis umano ang pagpapapatakbo ng menor de edad kahit na basa at madulas ang kalsada. Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang angkas nito na nagsanhi sa agarang pagkamatay habang pareho namang nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan ang dalawang rider.
Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuoang danyos sa nangyaring insidente. | D. Rupan, BChannel News