Naaresto ang isang 40-anyos na lalaki matapos nitong tangkang patayin ang 49-anyos na operator ng bulldozer sa Brgy. San Marcelino, Taysan, Batangas, noong Nobyembre 19, 2024, alas 9:00 ng umaga.
Ang suspek ay kinilalang si alyas Chester, habang ang biktima ay alyas Henry.
Ayon sa ulat ng Taysan Municipal Police Station (MPS), habang nasa kanyang bulldozer ang biktima nang makarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril.
Nang tiningnan niya kung saan nanggagaling ang mga putok, nakita niyang nakatutok ang baril ng suspek sa kanya at pinaulanan siya ng bala ngunit hindi siya tinamaan.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang Taysan MPS at nahuli ang suspek. Nakumpiska mula sa kanya ang isang caliber 9mm na baril at isang magazine ng kalibreng 9mm na pistola.
Patuloy naman inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril.
Ang suspek naman ay kasalukuyang nakapiit at nahaharap sa kasong attempted murder. | BChannel NEWS