Kalunos lunos ng sinapit ng 53-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng suspek na kapatid dahil sa paggamit ng speaker na walang paalam sa Brgy. Mulawin, Tanza, Cavite bandang alas-7 ng gabi nitong Linggo.
Kinilala ang biktima na si alyas Michael, 53-anyos at nakaktandang kapatid ng suspek, habang ang suspek ay kinilalang si alyas Miugene, 49-anyos.
Batay sa imbestigasyon ng Tanza MPS, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima matapos gamitin ng biktima ang speaker nito at nauwi sa pananaksak.
Naitakbo pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Samantala, nasa kostodiya na ng pulisya ang suspek sa pananaksak para masampahan ng karampatang kaso. | BChannel News