fbpx

Magsasaka, Patay Matapos Barilin ng Pinsan sa Rosario, Batangas

Patay ang isang lalaki matapos barilin sa Brgy. Putingkahoy, Rosario, Batangas bandang alas-6:00 ng umaga noong Enero 8, 2025.

Ayon sa paunang imbestigasyon Rosario Municipal Police Station (MPS), ang biktimang si alyas Isagani, 54 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay, ay binaril habang nakatayo sa isang taniman ng mangga.

Ang suspek, na nakilalang si alyas Loreto, 51 anyos, isang drayber at pinsan ng biktima, ay biglang lumitaw mula sa likuran at binaril ang biktima gamit ang isang 9mm kalibreng baril.

Tinamaan sa katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek patungong kanlurang direksyon bitbit ang ginamit na armas.

Sa panayam ng BChannel News sa Rosario Municipal Police, kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad si Loreto Cueto Capila. Patuloy nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Rosario MPS sa krimen at upang maaresto ang suspek.

Hustisya naman ang sigaw ng mga kaanak ng biktima ukol sa ginawang pagpaslang ng suspek. | BChannel NEWS

About Author