Isang insidente ng pamamaril ang naganap bandang 2:25 AM ng Marso 14, 2025, sa E. Manuel St., San Jose, Rodriguez, Rizal.
Ayon sa imbestigasyon ng Rizal Police, habang naglalaro ng online casino game o scatter sa harap ng isang sari-sari store, pinagbabaril ng isang hindi pa nakikilalang suspek ang dalawang biktima.
Sugatan si alyas Jaylord, 25 anyos, habang binawian ng buhay si alyas Mark, 43 anyos, matapos ideklarang dead on arrival sa Hospital.
Agad na tumakas ang suspek sakay ng isang sasakyan patungong Payatas, Quezon City. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang motibo sa krimen. | BChannel NEWS