Tumaas ang mga kaso ng dengue, na umabot sa 15,091 mula Hulyo 13-26, 7% na mas mataas kaysa sa naitalang 14,131 kaso mula Hulyo 29 hanggang Hulyo 12, ayon sa Department of Health (DOH).
Ang period na ito ay kasabay ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong na nagdala ng malalakas na ulan at pagbaha.
Patuloy na naka-alerto ang DOH at nananatili ang mga dengue fast lanes sa mga ospital.
Paalala ng DOH, maglinis ng mga lugar na maaaring mag-ipon ng tubig gaya ng mga paso at alulod upang maiwasan ang pamumugad ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
Kung makakaranas ng lagnat na tumatagal ng dalawang araw, kasabay ng mga sintomas tulad ng rashes, pananakit ng katawan, at pagsusuka, agad kumonsulta sa health center o magtungo sa dengue fast lanes sa DOH hospitals. | BChannel NEWS