Isang motorista ang naaresto sa isinagawang checkpoint operation ng Nasugbu Police nitong Sabado, September 20, pasado alas-dos ng hapon sa Sitio Calo, Barangay Kaylaway, Nasugbu, Batangas.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jack,” construction worker mula General Trias, Cavite.
Sa routine inspection, napansin ng mga pulis ang hawakan ng baril sa kanyang beywang na agad nagresulta sa pagbusisi.
Nakuha mula sa kanya ang isang Tanfoglio 9mm pistol, bala, at pitong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng halos 30 gramo, tinatayang nagkakahalaga ng mahigit dalawang daang libong piso. Narekober din ang motorsiklo, sling bag at mahigit 24 na libong piso cash.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Nasugbu Police ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Dangerous Drugs Act.