Sa kasalukuyan, si Super Typhoon Nando ay nananatiling nasa loob ng Philippine Area of Responsibility habang tinatahak ang Extreme Northern Luzon at patungo sa Southeastern China.
Samantala, isang Low Pressure Area ang patuloy na minomonitor ng PAGASA at huling namataan sa layong 1,590 KM east of Northeastern Mindanao.
Ayon sa PAGASA, papasok ito sa PAR at inaasahang kikilos patungong Visayas at Southern Luzon.
May posibilidad na ang LPA ay umabot sa katamtamang lakas bilang bagyo sa unang linggo ng forecast period, mula Setyembre 22 hanggang Setyembre 28. Kung sakalipas maging ganap na bagyo at makapasok sa PAR ay papangalanan ito ng PAGASA bilang Opong.
Para naman sa ikalawang linggo, mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 5, ang LPA ay inaasahang tutungo sa West Philippine Sea bago lumabas ng PAR, patungo sa Vietnam, at mananatiling may katamtamang lakas bilang bagyo.
Dagdag pa rito, posible ring mabuo ang isa pang tropical cyclone-like vortex sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas, ngunit mababa ang tyansa nito na maging bagyo. Dahil dito, nananatiling mataas ang Tropical Cyclone Threat Potential sa loob ng buong forecast period. | BChannel News