Nauwi sa putukan ang isang buy-bust operation laban sa iligal na baril sa Brgy. Bolbok, Batangas City, alas-10 ng gabi nitong Lunes, Setyembre 29.
Ayon sa imbestigasyon ng Batangas Provincial police office, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Batangas City Police Station na pinamunuan ni PMaj. Edgar Fabregas. Target ang isang kilalang suspek na si “Bonsai” at ang kanyang mga kasama.
Nang mapansin ng mga suspek na pulis ang kanilang kaharap, agad silang nagpaputok na naging dahilan ng pagkakasugat kay PMaj. Fabregas at mga kasamang sina PSSg Arvin Ilagan at PSsg Karl Ernest Fabonan.
Agad namang isinugod ang mga biktima sa Saint Camillus de Lillis Hospital para sa gamutan. Agad namang naglunsad ng dragnet at hot pursuit operation ang pulisya laban sa mga tumakas na suspek.
Patuloy rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. | via BChannel news | 📸 Batangas Provincial police office