Apat na lalaki ang naaresto matapos maaktuhan sa umano’y bentahan ng iligal na droga sa isang buy-bust operation noong April 15 sa Brgy. Lapu-Lapu sa Ibaan, Batangas.
Kinilala ng Batangas Police Provincial Office ang mga suspek na sina RICKY, 39 years old; a.k.a. JUN, 43 years old; a.k.a. JOEL, 51 years old; and a.k.a. “BYRON,” 23 years old, na pawang residente ng lugar, na nahuli habang nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang police operative na nagpanggap na buyer.
Ayon sa imbestigasyon, sabay-sabay umanong kumikilos ang grupo sa transaksyon, gamit ang limang daang pisong marked money.
Narekober sa operasyon ang anim na sachet ng shabu na may tinatayang bigat na tatlong gramo at halagang higit dalawampung libong piso, kasama rin ang ilang cellphone, isang .22 caliber revolver, at apat na bala.
Isinagawa ang imbentaryo ng ebidensya sa presensya ng media at isang barangay official, habang naka-body camera ang mga operatiba sa buong operasyon.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa drug at firearms law. | BChannel News