Plano ng Bureau of Customs na i-livestream ang auction ng hindi bababa sa pitong mamahaling sasakyan na nakumpiska mula sa mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya, na parehong kontratista ng gobyerno sa flood control projects.
Ayon kay BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Noel Bendijo, target ang Nobyembre 15 para sa public auction matapos desisyunan ng mag-asawa na huwag nang kwestyunin ang pagkakasamsam ng mga sasakyan.
Hindi maaaring sumali sa bidding ang mga dating may-ari, consignees, o exporters, ayon sa utos ng Customs.
Tinatayang nasa P200 milyon ang kabuuang halaga ng mga sasakyan, at ang kikitain ay ilalagay sa National Treasury.
Samantala, may 17 pang sasakyan ng Discaya couple na hawak ng BIR dahil sa umano’y P7.1 bilyong tax case laban sa kanila.