Isang Barangay Utility worker ang sugatan matapos pagbabarilin ng isang miyembro ng Lupon Tagapamayapa sa bayan ng Taal, Batangas.
Ayon sa Taal Municipal Police Station, pasado alas-10:30 ng umaga nitong October 23, 2025, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa pamamaril.
Sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang biktima na si Renato, Barangay Utility worker, habang ang suspek naman ay nakilalang si Edgardo, na ngayon ay pinaghahanap ng mga otoridad.
Nag-ugat umano ang insidente sa mainitang pagtatalo ng dalawa. Pagkatapos ng komprontasyon, agad na pumasok sa bahay ang suspek, kinuha ang kanyang baril, at binaril si Renato sa malapitan—tumama ito sa kanang bahagi ng dibdib ng biktima.
Agad namang isinugod si Renato sa Hospital, kung saan patuloy na nagpapagaling.
Patuloy naman ang dragnet operation ng Taal PNP para sa posibleng pagkakadakip ng tumakas na suspek.